Introduction
RESA o CPAR?
Haha tipikal na tanong na pumasok sa utak ko nung malapit na kaming gumraduate.
Nang biglang may bumulong sa tenga ko-pssst may CRC-ACE din po saka PRTC.
Parang ang hirap mamili ano? Lahat kasi may kanya-kanyang specialty (kapag CPAR
daw P1/TOA/AP, kapag ReSa naman P2 at kapag CRC-ACE daw AT). Finally nakapagdecide na din ako, hhmmm R.A.
Gapuz na nga lang hehe.
Pero kidding
aside, pinagisipan mo naman talagang mabuti kung sa’n ka magrereview ‘di ba? At
kung nasa CPAR ka ngayon well you made the right decision hehe. Based on my
experience maganda sa CPAR, with its state of the art facilities- olympic size
swimming pool, entertainment room, computer room, golf club and even a bar for
you to hang out with your friends. Hehe joke lang walang ganun sa CPAR hindi ka
naman magbabakasyon di ba? Nandun ka para magreview at matuto. Oo nga pala
don’t get me wrong, hindi po for promotional ng CPAR itong librong ito haha
(meaning kahit sa RESA CRC o PRTC ka pede mo to basahin), it just so happen na
sa CPAR ako nagreview and by God’s will eh I’m one of the successful examinees
of my batch. Well ano nga bang purpose ng librong ito at bakit kelangan nyo
itong basahin? Syempre wala haha, but to make your review experience unforgettable I am writing this
book and I hope you can relate with this.
First day of
class, haha nakakapanibago airconditioned na yung room (yung iba siguro sa inyo
sanay ng may aircon sa room pero sa kagaya kong public school graduate eh what
an expi ’to hehe pangpost na to sa FB- (D2 me sa CPAR anlameeeeg!!!)haha parang
ewan lang tapos ilalike pa yan). Tapos biglang papasok yung 1st
reviewer na magpapakilala sa inyo. In our case si Dean Archimedes Ibay yun, or
Mr. Dean for short. Sa hindi nakakakilala kay Mr. Dean sya po yung hindi
masyadong matangkad na reviewer na hawig ni VP Jejomar Binay. Ang tinuturo nyang subject eh AP at madalas po
syang may suot na vest na pangcongressman.
Palibahasa
first day ganado ka pa magreview no? Haha I bet bumili ka sa National bookstore
ng notebook na susulatan ng notes, index card para sa flash cards ng formulas
at manila paper na ididikit mo sa dingding ng kwarto mo para maretain sayo yung
mga topics na hindi ka masyadong pamilyar. Huuuwhat? Hindi mo yun ginawa?
Nanangkupo dalian mo’t pumunta ka na sa Sm San Lazaro isang sakay lang yun galing
CPAR. Malaking tulong yung sinabi ko kapatid, well hindi naman lahat ng topics
familiar tayo ‘di ba? Isulat mo dun lahat ng hindi ka pamilyar na topics at
paulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit mong basahin hanggang mapurga ka, haha
ewan ko na lang kung hindi mo pa yun mamaster.
**********************************
Haaay sa
wakas natapos din ang first day nakakapagod magaral ‘no? Buti uwian na, then
you’’ll realize na nagrereview ka na nga pala hehe. Paguwi mo sa bahay eh balik
ka na naman sa pagaaral haha byahe lang ang pahinga. Pero teka lang huuuyyy,
bitiwan mo muna yang Pinakwan (Finac 1) ni Sir Valix at manuod ka muna ng tv
first day palang naman eh.
Okay
pagkatapos manuod ng tv at kumain ng hapunan alam mo na siguro kung anong dapat
mong gawin ‘di ba? Ha ano? Makipagtext sa gelpren, boypren, nililigawan,
manliligaw, exBF/GF ( ayieh hehe still hoping, huwag ka mag-alala kapag CPA ka
na babalikan ka nyan haha), kutusan kaya kita pumasok ka na sa kwarto mo at
simulan mo ng mag-aral. Kitakits bukas hehe baka sabihin mo iniistorbo kita sa
review mo eh.
**********************************
Good morning
kamusta tulog ng future CPA? Ayieh napangiti sya. Pasok ka na? Sige una ka na
afternoon session ako eh nunuod muna ko ng One Piece sa channel 7. Yabang eh nu
nagrereview ta’s panuod-nuod na lang, well tamang time management lang naman
yan kapatid. Hindi ka binigyan ni Lord ng panibagong araw para makipagface to
face sa libro maghapon. You still have to live a normal life kahit na unti-unti
ng lumalaki yung eyebags mo kakapuyat. Nga pala sa pagrereview eh swak din ang
kasabihang “it’s not the quantity, it’s
the quality”, hindi po padamihan ng nabasa o nasagutang problem ang pagrereview
hehe make sure na kahit saglet ka lang nagaral eh may natutunan ka.
Teka teka medyo
sumeseryoso tayo ng usapan ah hehe buti pa pagkwentuhan na lang natin yung mga
reviewer natin.
Naalala ko
pa nung unang araw na pumasok si Sir Rodel Roque sa classroom haha epic yun
tsong. Akalain mo ba namang yung author ng librong gamit mo nung undergrad eh
magtuturo sayo. Parang nagsasalitang libro eh hehe, ang malupet pa eh kamuka si
Sir Rodel ni Ted Failon hehe mini version nga lang. Astig ang CPAR dahil
tatlong member ng teletubbies eh mga reviewer nila (hindi po tayo magnename
drop haha).
Isa si Sir
Rodel sa mga matatalinong tao na nageexist pala. Out of this world magisip si
Sir. One time nga nagtanong ako pinagisipan ko pa yung tanong ko na yun ha,
hehe only to find out na tanong din pala yung isasagot sayo ni Sir haha. Ayun
basag ako, pero pag nagbalik naman sya ng tanong sayo eh ikaw na mismo yung
makakasagot sa tanong mo.
Masarap
magreview sa CPAR kapag si Sir Rodel yung reviewer kasi para kang nasa comedy
bar, pag sya yung nagsasalita sa harap imposibleng hindi ka matawa lalo na
kapag nilalaglag nya yung kapatid nyang si Sir Gerry. Pero more important than
the laughters that Sir Rodel share with us eh yung knowledge na naimpart nya
satin during our stay in CPAR.
Ops ops ops
nakita kita tinitignan mo yung katabi mo hehe crush mo no?Haha nadistract tuloy
ako sa kwento ko. Tsk tsk ikaw talaga, pustahan tayo bading yan. Naalala ko
tuloy yung biro ng dean namin na basta accounting student daw eh may tendency
daw totoo nga ba yun? Haha uuyy napaisip
sya. Buti na lang ako hindi napagdududahan kasi may gelpren ako haha yun nga
lang bantay sarado ko ng gelpren ko katabi ko ba naman sa rebyu eh hehe ni
tingin tuloy hindi ko magawa. Andami pa namang magaganda sa room namin haha
nananawa na nga ako eh kaya pumupunta akong RESA para makakita ng pangit hahaha
joke. Okay tama ng slack time hehe rebyu rebyu ulit kaw talaga nasa liabilities
na kayo cash pa din yang binabasa mo.
Pinangarap
mo bang maging CPA? Hindi? Eh bakit ka nagrereview? Ano ‘to trip trip lang?
Haha lakas mangaway eh nu? Well at this point in time mga kapatid iwaksi nyo na
sa isip nyo yung salita na hindi ko naman gustong magaccounting dahil FYI lang
wala ka ng choice hehe. Kasi naman po hangga’t may excuse tayo eh hindi tayo
makakapasa sa board exam nyan. Tama na yung mga katagang hindi ko naman
sineryoso o kaya hindi ko ginalingan. Ano ka si Toguro? Hindi mo pa binibigay
yung isandaang porsyento? Well guys and girls kahit naman po ibigay natin yung
100% natin hindi pa din po sasapat yon kung wala tayong guidance ni Lord. Basta
makita ni Lord na determinado tayo sigurado yun CPA ka na tsong. Ok last
question na to, gusto mo bang maging CPA? Just key in CPAR<space>your
answer and send to 2366 and get a chance to pass the board haha.
*******************************
“Letter A”
buong ningning na sabi ng katabi namin sa tanong ng reviewer kung ano ang sagot
sa number 5, well tama yung sagot nya nakakaasar nga eh kasi yung sagot ko
mali. Madami talagang halimaw sa galing na mga accounting students sa buong
pilipinas, yung iba naman halimaw sa yabang haha yun bang tipong sasagot ng
malakas sa tanong ng reviewer sabay tingin sayo na para bang sinasabing “oh
panis ka hindi mo alam yun no?”, yung iba naman silent killer tatahitahimik yun
pala sobrang galing nakakabilib low profile lang walang hangin sa ulo. Pero
karamihan sa mga nagrereview syempre kasama na din ako dun eh average student
lang na ang puhunan sa pagrereview eh dasal at sipag. Well ayon nga sa isang
kasabihan “daig ng madasalin at masipag ang matalino”. Haha wala pong ganung
kasabihan imbento ko lang yun para kahit pano eh mabuhayan ka.
*******************************
Minsan
naglakad-lakad ako sa building ng CPAR pinagmamasdan ko yung mga reviewees na
may iba ibang style sa pagrereview. Yung iba nakaheadset pa magreview hindi ko
na tuloy alam kung nagrereview ba talaga kasi nagheheadbang tas nagdadrum roll
pa haha kulang na lang makipag-slam-an. Yung iba naman parang nasa sine may
dala pang pagkain, pero ang pinaka weirdo at medyo nakakatakot na style eh yung
mga nagsasalita mag-isa habang nagrereview, wag nyo maxado lalapitan yan baka
mag-amok. Yung iba naman parang may mini library na sa lamesa sa sobrang dami
ng hawak na libro, may Dayag, Guerrero, Valix, Uberita, Roque, J.K. Rowling,
Bob Ong, Stephenie Meyers tas sa pinaka ilalim may nakaipit na FHM haha.
Syempre masarap sa pagrereview eh yung sama-sama kayong magkakaibigan na
nagbabasa, sa umpisa seryoso lahat sabay biglang may magkukwentuhan tapos ayan
na makikisali na sya sa harutan hindi na makatiis yan. Ayun ang planong group
review eh nauwi sa umaatikabong kulitan at tawanan. Tapos later on you’ll
realize na kaya pala sila naghaharutan eh dahil tapos na nila rebyuhin yung
topic na yun kaya ang naiwan na walang natutunan eh ikaw. Ansaklap eh nu ok
lang yun atleast sumaya ka board exam lang naman yan eh wag ka masyadong
mapressure haha jowk.
**************************************
“Nakakailang
weeks na din pala akong nagrereview, parang wala akong progress.” Nasabi mo na
ba ang mga katagang yun? Well ako madalas haha kasi naman pag naaral ko yung
isang topic alam ko sya pero after ilang days lang parang hindi na naman.
Nangyari na ba sayo yun? Bad trip ‘di ba? Pero actually akala mo lang talaga na
wala kang improvement pero ang totoo, mas gumagaling na yung accounting skills
mo kesa dati. Hindi mo lang naaapreciate yan kasi hindi pa actual board, pero
tignan mo sa mismong board exam, parang web advertisement na biglang nagpapop-up
lahat ng pinagaralan mo at magugulat ka na nadalian ka sa board exam.
Speaking of
board exam, nahahati sa dalawa ang opinion tungkol dyan. Sabi ng iba madali daw
ang actual board, totoo yun madali lang ang board exam. Sabi naman ng iba
mahirap daw,totoo din yun. Huwwwhat the fact? Ano ba talaga kuya anlabo mo
namang kausap eh hehe. Well isa lang naman ang makakasagot sa tanong na yan eh.
Hindi si Simsimi ang makakasagot dyan kaya wag mo na tangkain buksan yung
facebook mo hehe. Ikaw mismo ‘tol, oo ikaw wag mo na tignan yung katabi mo
walang kamalay-malay yan wag mong idamay. Ang pagiging mahirap kasi ng isang
bagay eh subjective yan, pag hindi mo pinaghandaan talagang mahihirapan ka. So
pano sa araw ng board eh nakaabang ako sa labas ng exam area at tatanungin kita
ng “kamusta, mahirap ba ang Board Exam?”
*******************************
Isang araw
maaga ko pumasok sa CPAR, nakaupo na ko nun sa upuan ko naririnig ko nga yun
dalawang babae sa likod ko eh may halo pang landi yung mga tawa nila haha
hulaan nyo kung bakit? Tama ang nasa isip mo nagpapapansin sakin haha joke lang
si Sir Christian Valix pala yung pinaguusapan nila. Anak ng Valix naman oo,
hehe basta Si Baby Valix( Ang tatay nya po ay si Valix the father) ang reviewer
makikita mo sa mga kababaihan sa loob ng classroom ang kakaibang saya sa
kanilang mga mata at andami ng magpapadala ng love letter sa unahan nyan. Yung
iba naman didiskarte para makahingi ng libro, tas yung iba magrerequest ng
kanta at pustahan tayo sandamukal na camera ng cp ang nagvivideo nyan. Ayos din yun magturo si Baby Valix parang
librong nagkatawang tao din. Actually lahat naman sila dun magaling, iba ibang
approach ng pagtuturo pero effective lahat. Nga pala yung iba sa inyo sasabihin
hmmmp hindi naman magaling magturo si ganun eh, well mga tropang pochi ganito
po kasi yun, sa isang classroom may isang reviewer tapos yung mga reviewees
nasa 300(estimate lang po wag kumontra),hindi po kayang magadjust ng reviewer
sa specific needs ng bawat students, kaya po kung ano yung teaching style nya
eh yung student po yung magaadjust. Wag ka ng magreklamo mabait yan hehe, very
minimal adjustment lang naman ang gagawin mo eh, tignan mo sa susunod na pasok
mo kay ano may matututunan ka na.
***************************
Haays alas
onse na pala ng gabi tulog na lahat ng tao samin samantalang ako nagaaral pa
din. Nagugutom ako meryenda muna, hulaan ko meryenda mo instant noodles na
naman no haha. CPA ka nga may UTI ka naman haha hinay-hinay lang sa paghigop ng
mainit na preservatives. Kaya kapatid ibigay mo na yung todong effort sa
pagrereview sige ka kapag hindi ka nakapasa rereview ka na naman next sem tas
mapupurga ka na naman sa noodles. Pero bilib ako sa iba na nagpupuyat kakarebyu
kahit walang meryenda, pano ba naman kasi yung allowance nya eh sakto lang pambayad
sa boarding house at pambili ng
breakfast, lunch at hapunan. Lagi na nga lang sa bentelog kumakain eh o
kaya sa bente dalawang ulam with rice na. Tapos minsan naman pag kapos talaga
kendi at tubig lang ayos na. Huwag ka mag-alala lahat ng paghihirap mo sa
review susuklian ni Lord yan at kapag CPA ka na eh lagi ka ng sa Outback kakain
at sa UCC ka na magpapalipas ng oras habang nagkakape.
****************************
Lapit na
first preboard yehey!!!! Finally maassess ko na kung may natutunan nga ba ako o
wala. Makapagreview nga ng mga lumang handouts ng review center namin baka may
lumabas. Well kung yan ang nasa isip mo wag mo na ituloy. Hehe hindi mo
maaassess yung sarili mo kung ganyan ang mindset mo. Solve problem to practice,
not to memorize. Ang motto ng accounting students eh “we analyze not memorize”
di ba? Yung iba kasi pagkatapos ng exam eh maririnig mo sa mga umpukan “pre na
kay ganto yan eto naman na kay ganyan, buti nabasa ko tinandaan ko nga lang
yung sagot eh”. Naku po patay tayo dyan.Hindi po uubra sa actual board yung
ganung diskarte.
Hindi ka
makatulog nu?iniisip mo first preboard na bukas sana madali lang, sana lumabas
yung mga naaral ko. Hindi naman to yung actual pero bakit kinakabahan ako? Pano
kung hindi ako makapasa sa preboard? Relax lang kapatid wag mo isipin yun mahal
ka nun haha. Matulog ka nang mahimbing para kapag nagexam ka bukas eh hindi ka
inaantok.
*****************************
Ang aga mong
nagising, nagalmusal, naligo, nagteethbrush (bakit ka kumukontra isa lang ba
ngipin mo?), nagbihis, nagGatsby wax, nagpabango, humingi ng baon kay nanay,
tas humingi pa ng baon kay tatay (hala ka masama yan double taxation haha)
tapos sumakay ng jip pang estudyante pa din ang binayad (graduate ka na po)
dumating sa CPAR ng 30 mins earlier. Pumunta sa designated room, umupo, kumuha
ng handouts, nagreview pa uli kahit konti baka makatulong, nangulangot,
napautot (haha kadiri yung last two words delete natin). Unti-unti ng napupuno
yung classroom ng maya maya pa eh pumasok na yung magbibigay ng exam. Ayan na
sya ! ayan na sya! Pinasa na papunta sa likod yung mga test questionnaires
tapos sabay sabing “Okay you may start”.
Unang exam
nyo ang TOA, kinakabahan ka nung una pero as you answer the questions eh unti
unting nawawala yung kaba mo. Medyo magyayabang ka pa nga eh sasabihin mo sa
sarili mo “preboard ba ‘to?” Tapos ‘pag nasa item # 30 ka na mapapansin mong
parang humihirap ata yung mga tanong haha. Then you’re finished answering TOA
yabang sya nauna magpasa sana paunahan na lang magpasa ang labanan nu?
Yung mga
susunod na exam oo alam mong mahihirapan ka din pero wala nang halong kaba,
ganyan din sa actual board kapatid maniwala ka sa’kin. Ang board exam naman ay
kagaya lang din ng mga examination na nakuha mo na dati’t naipasa. Ang
pinagkaiba lang sa board eh kapag hindi ka pumasa madedepress ka, malulungkot
din yun nagbayad ng tuition mo, araw-araw kang papagalitan ng nanay mo (for
several weeks), mahihirapan kang maghanap ng work, hindi ka kasama sa party sa
school nyo, ibibreak ka ng syota mo kasi sya CPA na, at tapos magpapalaboy ka
sa kalsada. Haha joke lang po lahat ng sinabi ko hindi po totoo yun, hindi
naman katapusan ng mundo mo kapag hindi ka naging CPA, pero don’t settle for
less alam ko namang papasa ka eh answered prayer na yan kapatid all you have to
do is to claim it.
***************************
Last subject na ng first preboard nyo, kaso P2
yung last subject nyo kinabahan ka bigla nu? Bakit ganun? Andami dami dami dami
daming students ang nahihirapan sa P2? Sabi nga ni Sir D hirap na hirap kayo sa
P2 eh yung P6 (physics) nga kinaya nyo nung hayskul kayo. Hindi naman sa
pagyayabang pero magyayabang na din ako hehe, hindi naman talaga mahirap ang
P2, hindi lang natin nabibigyan ng maxadong panahon sa pagaaral dahil mas
nakafocus tayo sa ibang subject gaya ng P1 MS at AP (mas masarap kasi aralin di
ba? aminin mo mas madaming oras kang nilalaan dito kesa sa P2 nu?)
Ngayong
tapos na ang first preboard nyo magnilay-nilay
ka kung saang subject ka pinaka nahirapan at alam mo na kung anong dapat
gawin. Ha? Anong Harlem Shake? Tara ako
maguumpisa Colo Terorita ta ta ta ta ta haha adik magaral ka na nga lang
kukutusan kita dyan.
**************************
Hehe excited
ka ng malaman kung anong rank mo ‘no? Naalala ko pa ako din ganyan eh, umasa pa
nga akong makapasok sa top 10 eh kaso hindi nangyare hehe gaya nga ng sabi ko
madaming class S na halimaw sa CPAR hehe ako class A lang. Pero kahit ganun masaya
naman ako sa naging performance ko at syempre pati ng gelpren ko. Parehong
naging maganda yung results ng preboard namin. Syempre this calls for a
celebration kaya nilibre ko sya ng kwek-kwek sa labas ng CPAR (kung hindi mo pa
natikman yun you miss half of your life hehe). Xempre kung may maganda ang
naging result sa preboard, meron din namang hindi. Eh ano naman kung hindi?
Actual board na ba ‘to? Hindi pa naman di ba? Huwag ka nang malungkot dyan
kurutin kita sa singit eh hehe. Atleast may idea ka na kung saan ka mahinang
subject, like what I’ve already said assessment lang po ang preboard exam
parang trial and error kung magkamali ka walang bearing. Kaya smile ka na ayieh
ngingiti na yan, o wag naman ngiting ngiti baka pagkamalan kang nasisiraan hehe
piz.
**************************************
Okay
nakaraos na ng first preboard, what’s next? CPA na ba ako? Oo naman CPA by
spirit ka na tsong, parang biruan naming magkakaklase dati, yung lisensya namin
nakaready na sa PRC picture na lang yung kulang tas yung board exam formality
na lang haha. Ganyan kami “kayayabang” pero pag tinanong mo naman kami “what is
the treatment for the nonmonetary items of a company reporting on a
hyperinflationary economy?” ang masasagot lang namin ay “yes”. Yung barkada
namin nung college eh tropang “axe gang”, yun bang tipong madalas palakol yung
grade sa exam at minsan eh mataas din naman, pero wag ka CPA na kaming lahat
ngayon, at nagsimula lang yun sa simpleng “kayabangan”. Ibig kong sabihin ng
pagiging “mayabang” eh maging confident enough ka na makakapasa ka sa Board
exam kahit pa tipong parang andami mo pang hindi alam. Hindi na mahalaga kung
saang school ka graduate o kung cum laude ka o hindi, tutal pare-pareho lang
naman tayo ng ginagamit na libro at mga review materials eh, yung iba nga lang
may pambili ng Wiley hehe pero maniwala ka sakin mas okay pa yung handouts na
gamit mo kesa dun.
***********************************
Sino sa inyo
nakakakilala kay Fra Lucca Paccioli? Huuwhat the fact sino daw? Fra Lippo
Lippi? Hindi po singer yan at lalong hindi po sya brand ng de lata. Actually may
ipagtatapat ako sayo, sya ang iyong ama haha biro lang. Sya daw ang umembento
ng double entry system, galing eh nu? Pano kaya tayo magaaccounting kung hindi
naimbento yung debit at credit? O tandaan mo na pangalan nya baka lumabas sa
board exam hehe one point din yan. May isa pa pala akong tanong, bakit Dr. ang
abbreviation ng Debit?
***********************************
Standard
costing and Variance Analysis ang isa sa ayokong topic pero mula ng makita ko
ang “ABS” at “AAS” ni Sir Roque eh isa na yun sa mga paborito kong topic.
Maraming salamat po at ibinahagi nyo sa amin ang inyong “ABS” at “AAS”.
***********************************
Kapag weekdays ang review class mo, bukod sa
pagrereview ay may isa pang dumadagdag sa iyong alalahanin lalo na kapag babae
ka. “Ano kayang isusuot ko ngayon? Paulit-ulit na lang sinusuot ko sa review
dyahe kay crush.” Nung nagrerebyu ako pito lang ang pang-alis kong t-shirt at
tatlo lang ang maong pants ko at tatlo lang ang may garter kong brip yung iba
baconator na, tapos yung tatlo pa sa t-shirt ko eh isang suot na lang basahan
na haha kaya naman kung magkaroom tayo eh wag mong isiping nadedejavu ka
paulit-ulit lang talaga yung suot ko. Meron naman akong nakikitang reviewee na
puro jpia shirt at t-shirt ng quiz bee yung suot, astig eh nu active maxado
nung college days nya. Yung iba naman con todo porma nakalong sleeve pa naks
parang JS lang haha. Tapos may makikita ka ding mga babaeng ginaw na ginaw mga
nakajacket tapos pag tinignan mo yung suot na shorts eh mas mahaba pa ata yung
panty kesa shorts. Kaya tuwang tuwa si Sir D kapag nagkaklase eh haha. Yung iba
naman simple lang manamit, pero hindi naman mahalaga kung ano suot natin eh
basta kumportable ka sa suot mo palag na yun. Kaya wag mo na problemahin kung
ano isusuot mo bukas ha.
**************************************
Etong kwento
na to medyo cheesy to pero gusto ko padin ikwento. Alam nyo bang isa sa naging
dahilan kung bakit memorable yung review ko eh dahil kasabay kong nagreview
yung gelpren ko. At masarap yung experience na yun dahil sabay kaming tumawa sa
mga jokes ng reviewer, sabay naguluhan sa mga mahihirap na topic, sabay natuto
at higit sa lahat sabay magSM hehe. Kahit laging sky flakes condensada at kwek-kwek
ang nililibre ko sa kanya at pag nakaluluwag-luwag eh burger steak wala pang
drinks para Php39 lang, eh magkasama pa din kami. At higit sa lahat sabay
kaming nakapasa ng Board. Ikaw sino bang inspirasyon mo? Be it your GF/BF, your
family or your friends, mas masarap mag-aral kapag inspired ka.
*********************************
Naranasan mo
na bang pumasok sa CPAR ng nakabangka? O kaya eh hanggang bewang mo ay basa?
Well kung gusto mo yun maranasan I suggest na magreview ka for October Board.
Ansarap din magtampisaw sa baha lalo’t nakikita mo yung mga basura na parang
dikya na inaanod ng baha. Sabi kasi samin hanggang hindi pa daw lumalagpas sa
ulo ng Roque Brothers yung baha eh hindi pa daw suspended yung klase haha. Kaya
ako naman dahil sa sayang ang baon eh pumasok pa din haha nagpadagdag pa nga
ako kasi sabi ko baka mahirapan ako makasakay. Ayun pagdating ko sa CPAR kulang
na lang sabitan ako ng gwardya ng medal for loyalty award haha ang galing ko
rin kasi eh, naimbento na nga pala yung telepono haha.
*********************************
“Good
afternoon beautiful people, bakit hindi kayo sumasagot? Wala bang beautiful
dito? Ahahahahahahaha.” Sounds familiar? Hehe xempre walang iba yan kundi si
Sir D na malakas ang pornographic memory. Ansarap magaral ng law kapag sya yung
reviewer di ‘ba? Haha nung namudmod ata si Lord ng sense of humor eh ilang
galon ang nakuha ni Sir D. Ayos yung approach ni Sir D natutuwa nga ko sa mga
illustrations nya eh hehe minsan nga halos matae ka na kakatawa. Pero baka
naman puro tawa ka na lang dyan at hindi mo na inaabsorb yung lesson batukan
kaya kita?
*********************************
Isa sa
pinaka abstract sakin nung review days ko eh yung Auditing Theory, ang tawag ko
nga dyan eh Auditing Churi as in sorry na lang talaga sakin dahil hindi ko
talaga sya ganun kagamay siguro kasi wala pa naman talaga akong real life expi
sa audit kaya nahihirapan akong iabsorb. Pag nagsasagot nga ako ng problems ang
technique ko eh kung ano yung pinakamabait na sagot yun yung pipiliin ko. Most
of the time tama naman, kaso minsan hindi din yun umuubra kasi lahat ng choices
ambabait ng sinasabi haha patay na. Well pag mga ganung pagkakataon instinct mo
na lang ang maaasahan mo, kung anong letter yung umilaw ayun na yun haha.
*********************************
“Two weeks
na lang final preboard na pala, halos patapos na din kami sa mga lessons namin, natataranta ako andami ko pang
hindi narereview I’m already behind our schedule.”
Psssst! Pssssst! Huyy!!!! Kanina pa kita
tinatawag di mo ko pinapansin. Bakit ba aligaga ka dyan? May ilang weeks ka pa
para mag-aral kaya seatbacks and relak hehe. Okay isa-isahin nga natin yung
hindi mo pa naaaral, Business Combi, Process Costing, Leases, Employee
Benefits, Backflush, Kinds of Opinions, Estate Tax, Donors Tax, Exemptions, Law
on Nego, ObliCon(anak ng pati yun hindi ka pa tapos, unang topic yun ah?), Cash
Flow, Liabilities, LTCC, Installment Sales, BEP, Variance Analysis, FS
Analysis, Dialysis, Sinusitis, Kwitis, Ipis, Walis at kung anu-ano pang may
“is”.
Oh konti na
lang pala eh haha, wala kang dapat ikataranta kasi dati mo naman na yang alam
eh. Yan din yung tinuro sa inyo nung undergrad ‘di ba? Within two weeks eh
yakang yaka mong irefresh sa memory mo yan kelangan mo lang iretrieve yan mula
sa utak mo. Naalala ko nga perfect ka sa quiz nyo dati dyan ‘di ba? Tapos yung
midterm mo pa nga dalawa lang mali. Ha ano? Nangopya ka lang dati? Patay tayo
dyan hala pumasok ka na sa kwarto mo’t aralin mo na isa isa yang mga yan.
***************************************
Lapit na
magboard exam, so far so good naman ang takbo ng review mo. Yun nga lang masasayang
lahat ng pagod mo kung hindi mo gagawin ‘tong isang bagay na ‘to. Tama iniisip
mo, magparegister ka na sa PRC lapit na kaya deadline. Oh bakit nagdadalawang
isip ka pa kung magtetake kana? Pinapahaba mo lang yung paghihirap mo eh.
Huwwhaaat? Anong hindi ka pa ready? Kelan ka pa magiging ready kapag lahat ng
classmates mo CPA na? Alam mo tsong those who succeed are the ones who are not
afraid to fail (tama ba English ko?). Oh sige pakinggan ko muna reason mo kung
bakit ayaw mo pang magtake. Aaaahhhh magdodouble review ka para sure. Eh adik
ka pala eh suntukan na lang hehe. Okay kalma lang hehe kasi naman ikaw eh
pinapataas mo high blood ko haha high na nga pinapataas mo pa. Eh kung ganito
na lang kaya, magtake ka na ngayon at bahala na si Lord sayo (hindi si Batman).
“Punta tayo
ng maaga sa PRC para hindi maxadong mahaba yung pila” sabi ko pang ganun sa
gelpren ko. Anak ng tokwa’t baboy pagdating namin dun parang may pila na ng NFA
rice sa dami ng magpaparegister pero ok lang para ‘to sa magandang kinabukasan
namin hehe. Tapos tsetsekin mo pa yung gamit mo kung kumpleto ba yung
requirements na dala mo pati yung pambayad sa registration na pinatubuan mo pa
nung nanghingi ka sa mama mo (kala mo hindi ko alam ha hehe). Grabeng siksikan
sa pila tapos kulob pa kaya ayun amoy tinapay (putok) na kayong lahat dun hehe
pero ok lang pursigido ka pa ding magregister. Ayan na malapit ka na konti na
lang ng biglang “ok bukas na po yung iba 5:30 na po” haha biro lang baka hindi
ka na bumalik bukas eh. Finally, nakapagparegister ka na din sa wakas congrats
halos abot kamay mo na yung lisensya mo, kaya kelangan makapasa ka talaga dahil
alam kong ayaw mo ng bumalik sa PRC para magparegister haha.
***********************************
Final
preboard na pala parang kelan lang kakastart pa lang ng review. KInakabahan ka nu? Pero alam kong hindi ka
kinakabahan sa final preboard, haha kinakabahan ka kasi lapit na talaga yung
actual. Wag kang mag-alala iaassess muna natin sa final preboard kung kaya mo
na ba talaga and I’m sure na kayang kaya mo na nga.
Same as
first preboard TOA pa din yung una, but different from the first preboard eh
mas kumpyansa ka ng magsagot naks naman hehe. Smooth sailing lang at hindi ka
na nagkacram, ganyan din sa actual pramis after ilang months ba naman ng review
eh sigurado nasanay ka ng nagsasagot ng problems. After ng TOA eh MS naman aba
yabang ah kabisado na lahat ng formulas dami nun ah nakabisado mo lahat?
Wala na
ginawa na lang libangan yung pagsasagot ng exam hehe okay yan kapatid tuloy mo
lang.Patapos na uli yung Final Preboard at andyan na naman si P2 na nagpahirap
sayo nung First Preboard. This time hindi ka na kinakabahan, nag-aamok ka na
nga kasi gusto mo ng magstart eh kaso meryenda break pa. And when you start
taking your exam on P2, sunod-sunod na yung pagsagot mo sa mga questions hindi
gaya dati na sunod-sunod yung paglaktaw mo hehe.
Haaaay sa
wakas tapos na din ang Preboard Exam, congrats mukang well prepared ka na nga
para sa actual. Tapos na din ang review class sa CPAR bukas discussion na lang
ng answers sa Preboard.
***********************************
May isang
review class pala kami kay Sir D na pinaka hindi ko makakalimutan. Sanay kasi
tayo na nakikita syang laging nakangiti, masayahin at medyo bastos haha biro
lang po. Pero yung last na regular class namin sa kanya eh nakita namin yung
malungkot na side ni Sir D, kung ano man yun eh secret haha bahala na syang
magshare nun sa inyo sa last day nyo.
Gusto ko
mang magkwento sa inyo tungkol kay Valix the father eh halos wala akong
masishare sa inyo kasi si Baby Valix yung naging reviewer namin dati eh. Pero
yung first encounter ko kay Sir eh nakakatuwa. Hindi ko akalaing sya na pala
yun hehe kala namin gwardya kasi nakaputing shirt lang si Sir nun eh tas
sinamahan pa kaming magtingin ng rooms hehe sino ba naman kasi mag-aakalang si
Sir Valix pa mismo yung magtutour samin sa CPAR. Tas nung medyo nakaramdam
akong parang hindi to gwardya dito ah hehe tinanong ko na sya tas ayun nga hehe
dyahe nakakahiya kaya ayun kinamayan ko agad eh hehe, sobrang down to earth na
tao astig!!! (hindi po ko sumisipsip para ipublish tong libro ko haha
kinukwento ko lang po yung expi ko)
************************************
Asahan mo
na’t dahil nalalapit na ang actual board eh maglalabasan na ang kung anu-anong
“alamat” kung saan kukuhain ang exam. May mga maririnig ka mula sa mga kadorm
mong sa ibang review center nagrereview na kay ganito kay ganyan kukunin yung
mga questions. Well tsong kung maniniwala ka sa mga kwentong yun eh iyuko mo ng
konti ang ulo mo at babatukan ko lang saglit haha. Naalala ko tuloy dati noong
panahon namin sabi yung AT daw sa CRC kukuhain, yung P2 sa RESA tapos yung
P1/TOA sa CPAR daw. Haha at isa pang haha, kahit naman tama yung kwento na yun
eh gudlak na lang sayo sa dami ng mga handouts na kakalkalin mo. Relax ka lang
dyan tol magtiwala ka lang kay Lord, sa review center mo at xempre sa sarili
mo. Saka kapatid ipagpalagay man nating totoo yung kwento na narinig mo kung
saan manggagaling yung exam, maging masaya ka kaya kung pumasa ka dahil sa alam
mo na kung ano yung lalabas? Di bale ng puro 75 grades mo sa Board exam basta
alam mong parehas ka lumaban. Anyway kahit 75 grade mo CPA ka pa rin di ba?
Ayun naman talaga target natin eh, ang maging CPA ka.
*************************************
Ngayong
patapos na ang review mo alam kong marami kang mamimiss. Ako namimiss ko yung
panahong hindi ako pinaghuhugas ng plato para makapag-aral haha tapos
binibilhan pa ko ng stocks ng meryenda kapag magpupuyat. Tapos andami mong
nahihingan ng baon (andyan si lola, si ate, si mama, si papa) haha suportib
sila lahat yun nga lang kapag hindi ako pumasa yare hehe.
Yung iba
naman mamimiss nila yung kulitan sa dorm, yung hiraman ng sabon at shampoo,
pati na din ng deodorant (eww yakz magka-amoy na sila ng kili-kili hehe).Medyo
nakakalungkot ‘no? Ambilis ng panahon, pero okay lang dahil pagtapos ng board
eh another chapter na naman ito ng buhay natin at mas mahaba na ng 3 letters
yung pangalan mo kesa dati.
*************************************
After mo
palang makapasa ano ng next plan mo? Magwork abroad? O sa Makati? Manila?
Ortigas? Q.C.? Scarborough? Sabbah? Basilan? O Iraq? Haha baka naman pagkapasa
mo tumambay ka na lang? Hindi po dun natatapos ang lahat, ang totoo eh umpisa
pa lang to ng real life battle. Yung karamihan sa atin magpapractice ng
profession, yung iba naman malilinya sa ibang trabaho. At yung ibang mga
kahanga-hanga eh hindi kuntento sa tatlong letrang CPA kaya mag-aaral uli. Yung
iba madadagdagan ng Atty., MBA, MPA, CIA, CFA, CSI, DVD, VCD, USB hanggang sa
RIP (haha wag naman). Pero kahit ano pa man yan eh suportado kita tsong, itayo
mo bandila nating mga Tagapagtuos (Accountant).
****************************************
Accounting Student: Sir D, kung tao po si Debit at
Credit ano pong gender nila?
Sir D: Madali lang yan hija, si Debit dahil
nasa left side eh lalaki kasi mahilig daw mangaliwa. Si Credit naman dahil nasa
right side babae, kasi sya daw yung laging tama.
Accounting Student: Sir D ano naman pong tagalong ng Debit?
Sir D: Hindi yan lalabas sa board wag mo na
alamin hehe.
*************************************
Para sa mga lalaking accounting
students
Kapag nanliligaw pa lang: Lahat ng gifts, flowers at
chocolates expense immediately (ganun talaga wala pang future economic benefits
eh hehe)
Kapag sinagot ng nililigawan: This is the time na pwede ng
icapitalize ang mga gastos. (either current or noncurrent eh depende kung
tatagal kayo.)
Kapag brineak ng gelpren: Impairment loss haha.
Kapag binalikan ng gelpren: Recognize gain.
Para sa mga babaeng accounting
students
Kapag nililigawan pa lang: Lahat ng natatanggap na gifts,
flowers at chocolates recognized as income.
Kapag sinagot ang manliligaw: Lahat ng natatanggap income pa rin.
Kapag nakipagbreak sa boypren: May bagong manliligaw this time mas
galante, income uli hehe.
Nakipagbalikan sa ex-boypren: Syempre matic na yan hehe income na
naman.
*************************************
Ang babae
kapag nililigawan eh kelangan iapply ang mga natutunan sa MAS. Halimbawa kapag
namimili ng mga qualified (naks hehe isa lang naman nanliligaw) kelangan pasok
sa standards (standard costing). Tapos titignan kung iaaccept ba o irereject
(differential costing). Tapos titignan mo pa ang kabuuan ng pagkatao ng
nanliligaw sayo at iaanalyze (parang FS analysis), ichecheck mo yung liquidity
(may panlibre ba sya sayo sa date nyo?) at syempre solvency (kaya ka ba nyang
suportahan in the long run? Hehe). Titignan mo din syempre yung marketability
ng nanliligaw sayo (marami bang nagkakagusto sa kanya? Baka mamaya madami kang
kaagaw hehe). At ang pinakaimportante eh profitability (kapag naginvest ka ba
ng feelings eh hindi ka malulugi?). Ayan ha ang dami mo ng tips sa pagpili ng
sasagutin pero tama na muna yan kwentuhang ganyan hindi kasali sa board exam
yan.
*************************************
Nung
nagrerebyu ako 1 week before ng board, andaming pumapasok sa isip ko na tanong.
Bakit ba nauso pa yung accounting? Sabi nila isa daw sa mahirap na board yung
CPA board, mas mahirap pa ba to sa Nursing Board, sa Architecture Board,
Engineering o sa Medicine Board? Lahat
ng mga profession na nabanggit ko eh may mga nakadependeng buhay, kapag
nagkamali ang Nars o Doctor sa trabaho nya pwedeng mapahamak yung pasyente,
ganun din sa Architect o Engineer kapag mali sya sa estimate ng strength of
materials bibigay yung structure at maraming mapapahamak. Eh tayong mga
Accountant sinong nakadepende sa atin? Iba-iba ang tawag satin ng mga tao, yung
iba Magician, minsan Doctor din tayo at ang pinakamalala eh buwaya (kapag sa
BIR ka daw nagtatrabaho). Parang ansama ng konotasyon satin nu? Pero kahit
ganun okay lang dahil our role in this society is much bigger than what others
know. Hindi naman kasi lahat ng tao eh financially literate kaya they need our
professional service, at oo buhay din ang nakadepende sa atin, buhay ng mga
negosyo at buhay ng ekonomiya na nakakaapekto sa buhay ng bawat tao. Bakit ko
ba to naikwento? One time kasi noong nagrereview ako may nagsabi sa akin “Aral
ka ng aral para saan ba yang pinagaaralan mo?”, aray ko oo nga nakagraduate na
ako’t lahat lahat pero ano nga bang purpose ng profession ko? Well naengganyo
lang naman talaga ako na mag Accounting kasi yung tita ko anlaki ng retainer na
kinikita buwan buwan eh. Pero now I realized na aside from earning so much
money, eh pinayagan ako ni Lord na makapasa ng board exam to help other people
manage the resources that God has entrusted to them, after all lahat naman tayo
eh steward lang ni Lord. Kaya ipasa mo tong Board na to para marami na tayong
magliligtas ng “buhay”.
***********************************
PREWEEK LECTURE
Sa panahong
ito mo makikita ang halos lahat ng klase ng reviewees. At namangha ako sa iba’t
ibang mga reviewees na naencounter ko. Merong sobrang bata nasa 18 or 19 lang
ata yung edad nila, tapos meron din naman oldies but goodies lagpas 60 na ata
yun eh. Yung iba halata mong professionals na at magtetake ng board siguro for
promotion, yung iba naman fresh graduates pero hindi na mukang fresh (hehe biro
lang tinamaan ka naman). May mga makakakwentuhan ka ding iba sa kanila na pang
nth time na atang kukuha ng
board pero hindi pa din pinapalad( I’m sure this will be your last take).Iba-ibang dahilan, iba-ibang
pinagmulan pero lahat iisa lang ang gusto-ang maging CPA.
Kakaiba ang
ambience pagpasok mo ng room. This is it, there’s no turning back. Ito yung
panahong mararamdaman mo na halos abot kamay mo na yung pangarap mo. Tapos
papasok na yung reviewer nyo at magsisimula ng magdiscuss ng handouts. At
ambilis nya ng magsalita nanangkupo mahina pa naman ako sa dictation hehe. Kung
mapapansin mo din eh mas madali na yung mga questions na nasa preweek nyo
compared to regular handouts at preboard di ba? Naks gumaling ka na talaga hehe
joke lang mas dinalian lang talaga nila yan kasi dinesign yung materials ng
preweek to refresh our minds sa mga inaral natin during review. Pero gumaling
ka naman na talaga eh, dati mahina ka sa cost accounting di ba? Pero ngayon
ayaw mo ng magsagot ng process costing kapag EUP lang yung tanong. Dito sa
preweek mo din maeencounter yung mga reviewer ng ibang classroom. Masaya yung
preweek kasi bibo yung mga reviewer andaming baong jokes kaya for a while eh
marerelieve ka sa pag-aalalang malapit na yung actual. Nung panahong yun ko din
naisip na bakit kaya walang babaeng reviewer ang CPAR? Hehe sabagay baka kung
meron sabunutan yun ni Sir Gerry hehe piz.
Tapos
pagkatapos ng 1st day ng preweek eh magsasalita si Sir Valix at
ireremind kayo sa schedules including the mass na hindi ko napuntahan, kinabahan
tuloy ako kaya napasimba ako sa Sta. Cruz Church kasama yung mga classmates ko.
Tapos dadalhin mo pa lahat ng gagamitin mo for the exam para ipabless-lapis,
calculator, pambura, pantasa, calculator uli at ballpen. Halos lahat na ata ng
gamit mo pati brip gusto mo na ipabless eh nu para sure na makakapasa ka haha.
Wag ka mag-alala dahil since day 1 ng review mo eh God has already bless you
para makapasa ka sa Board.
Syempre sa
preweek eh more on tips for the actual Board na ang ibibigay sa inyo nyan. At
the best yung mga tips na binigay samin sa CPAR nung panahon namin. Basta sa
araw ng Board exam at kahit hindi Board exam, always start your day with a
prayer. Ask for His guidance para hindi ka magcram kapag hindi mo na alam kung
pano mo sasagutan ang problem. Basta kapag namental ka (hindi mental hospital
ah kundi mental block), pause for a while and say a short prayer, tignan mo
pagdilat mo may umiilaw na letra hehe yun na yun answered prayer kaagad.
Bago matapos
ang preweek nyo para sa 1st week ng Board eh magmomonologue uli si
Sir Valix sa inyo at matutuwa kayo sa mga sasabihin nya na magpapabawas sa mga
alalahanin nyo sa board exam. I don’t want to spoil things up kaya hindi ko na
ikukwento hehe kung gusto nyo malaman you should attend your preweek in CPAR
hehe. Basta pramis nawala yung mga haka-haka ko dati about sa Board Exam nung
nagsalita si Sir Valix during our preweek.
And voila!!!
Ready ka nang sumabak sa gyera sa Sabado haha pero bago yan magpahinga ka muna
bukas dahil Byernes pa lang hehe wag kang atat.
**************************************
1 Day before ng Board Exam
Anak ng
pating bakit hawak mo yang handouts mo? Di ba rest day ngayon? Ipahinga mo muna
yung katawan at isip mo, manuod ka ng t.v., o kaya mgSM ka tapos manuod ka ng
sine tapos kumain ka ng madami dahil bukas eh bibitayin ka na haha joke lang.
Ibalato mo na sa sarili mo ‘tong araw na ‘to, kung dati bawal makipagtext ng
matagal sa BF/GF ngayon you have all the time in the world para pudpudin yung
mga daliri mo kakatext kaya magpaload ka na tapos i-unli mo na agad. Parang awa
mo na wag ka na munang gumawa ng kahit anong bagay na may kinalaman sa
accounting. Naalala ko tuloy nung 1 day before ng Board namin, nanunuod ako ng
One Piece sa channel 7 kaso parang hindi ko maenjoy hehe kahit kasi anong pilit
mong magrelak eh papansin talaga yung katotohanang bukas eh Board exam na hehe.
Tapos nilutuan pa ako ni mama ng masarap na ulam hehe advanced celebration daw
yare talaga pag hindi ako pumasa. Ansarap ng pakiramdam ko nung araw na yun
kasi parang pulitiko si mama dahil “Asikasong Bongbong” nya ko at “Gusto nya
happy ako” nung araw na yun. Hehe ansarap sa pakiramdam kapag alam mong hindi
ka nag-iisang kukuha ng Board dahil alam mong full support sila sayo.
Antagal ng
oras nu? Wala ka ng maisip na gawin para malibang ka? Nasanay ka kasing laging
nagaaral for the past few months eh. Alam ko na isishare ko na lang sayo yung
dasal ko para sa Board Exam.
Dear Lord,
sana po bigyan Nyo po ako ng sapat na knowledge and wisdom upang masagutan ko
po ng maayos lahat ng questions sa Board Exam namin bukas at sa mga susunod na
araw. Lord medyo mahina po ako sa P2 kaya sana po madaming bonus hehe joke lang
po sana po madadali lang yung lumabas na questions tapos walang GovAc na
lumabas. And Lord ang mga wish grades ko po ay MS 96, P2 90, P1 94, AP 94, BLT
95, AT 92 at TOA kahit 92 lang din po (tandaan humingi ka at ikaw ay bibigyan,
walang humingi ng tinapay na bato ang natanggap-all you have to do is to have
faith and God will do the rest.). Sana po Lord lahat kaming magkakaklase eh
makapasa sa Board Exam(mas masarap magcelebrate kapag madami kayo).
Ipinapaubaya na namin sa inyo Panginoon ang magiging resulta ng Board exam na
ito. In Jesus name we pray Amen.
Oh sige
maiwan na muna kita para naman masulit mo yung isang araw na pahinga.
*********************************
Perst Dey
This is it!
This is really really really is it!!!!!!!
Haaay sa
wakas nagising ako ng maaga kahit hindi naman ako nakatulog kagabi hehe.
Makabangon na nga at makapagmumog. Uy ayos ah sarap ng almusal parang may
fiesta, hehe dati puro pandesal at kape lang o kaya yung tirang ulam kagabi
pero ngayon nagluto pa si mama ng
mechado hehe tamang tama magbabaon din ako. At wala din akong kaagaw sa
C.R. hehe ako pinapauna nilang gumamit ayos talaga tapos binigyan pa ko pantaxi
para hindi daw ako ma-late pero xempre magdyidyip pa din ako wais ata to. On
the way na ko sa La Co (ang skul ni Amalayer hehe), Okay ready to fight na
ko!!!!!
Andaming tao
nu? Astig yung ibang skul may mga tagamoral support pa parang Bar Exam. Sa
wakas nagpapila na din sila at naguumpisa ng magpapasok sa gate ng examination
area. Tapos sjnhskjfhaldhgwaiugw dfjkhewfidnvfkdg dfjknhwejhfoidsvnksbnwpfem f
dfjehfwfhejdskngdg sjhfequrhfif. Haha hindi ko na pwedeng ikwento yung mga
nangyare sa loob ng examination area dahil strictly confidential na yun. Pero
wala kang dapat ipangamba dahil daig mo pa si Son Goku na nagtraining sa
gravity room sa pagiging handa mo para sa Board Exam. Oh pano kwentuhan mo ako
mamaya kung kamusta yung 1st day mo ha.
Haaaay sa
wakas natapos din yung 1st day. So far ayos naman yung performance
mo sa Board sana magtuloy-tuloy na ganito. Don’t worry dahil magtutuloy-tuloy
na talaga yan well prepared ka eh. Nung nagsasagot ka nga sa board eh naaalala
mo pa yung mga joke ng reviewer sa topic na yun eh hehe buti hindi ka nakita
nung nagbabantay baka akalain nasiraan ka na ng bait dahil natatawa ka na
mag-isa. Pahinga ka na muna ngayon limang subject na lang CPA ka na.
Sekend Dey
Maaga ka sa
examination area suot uli yung white polo shirt na pinagpag mo lang at hindi na
nilabahan. Excited ka kasi favorite subject mo yung itetake nyo ngayon. Yabang
mo pa nga eh habang tinitignan yung ibang hindi magkandaugaga kabubuklat ng mga
review materials nila. Naririnig mo din yung iba na nagkukwentuhan tungkol sa
inexam kahapon may mga nagtatanungan pa nga kung anong sagot nila eh at
napansin mong pare-pareho sila ng isinagot at ikaw lang ang naiba, anong
mararamdaman mo? Kakabahan ka na ba? Wag kang kabahan, isipin mo na lang mas
marami ang bumabagsak kesa pumapasa kaya kung iba yung sagot mo sa kanila
malamang eh ikaw yung tama. Okay tama ng kwentuhan pumila ka na dun at baka
mahuli ka pa, paglabas mo mamaya meryenda tayo sagot ko.
Natapos
na ang 2nd day ng Board pero
bakit para kang namatayan? Dapat nga masaya ka kasi lapit na matapos eh. Ha
nahirapan ka sa MS? Kala ko peyborit mo yun? Hehe andaming theory na lumabas?
Tapos may P2 pang kahalo? Eh ano naman naaral mo naman yun lahat di ba? Kasi naman
ikaw eh porke’t peyborit mo yung MS kala mo hindi ka na mahihirapan, hayaan mo
na pasado ka pa din naman eh ‘kaw pa.
1 Week Interval (Prolonging your
agony)
Worksheet
naman oh, antay pa ng isang linggo bago magexam uli. Yung isang linggo na to
ang katumbas eh parang isang dekada. Tapos punta na naman ng CPAR para sa
preweek lecture. Pag pasok mo ng review center eh iba’t ibang hitsura yung
makikita mo. May mga maaliwalas at halatang kampante sila sa performance nila
nung first 2 days, yung iba naman medyo hindi sigurado pero okay lang nagagawa
pa ding ngumiti kahit pano at yung iba eh talagang parang suko na at kulang na
lang eh maghagis ng puting tuwalya. Pero ‘tol kahit nasan ka pa kabilang sa
tatlong nabanggit ko eh ibigay mo pa din lahat ng makakaya mo sa last 3
subjects dahil hindi pa tapos ang laban. Kung nahirapan ka man sa ibang subjects
na nauna galingan mo na sa natitira para at least kahit macondi ka man lang.
Anyways kahit naman conditional lang eh pag naipasa mo yung ibang subject CPA
pa rin naman tawag sayo eh, pantay-pantay lang yan once na may lisensya ka na
nasa sayo na yun kung pano ka didiskarte para umasenso. Pero habang hindi pa
naman lumalabas yung result eh don’t settle for less baka mamaya hilingin mo
kay Lord na pumasa ka kahit condi eh pagbigyan ka’t gawin ka ngang condi hehe.
Sa last
preweek nyo eh kakamustahin kayo ng mga reviewer nyo tungkol sa board exam at
medyo makakahinga ka ng maluwag dahil sasabihin nila na may bonus haha tapos
biglang sabi mo naman “kaya pala hindi ko macompute” hehe kahit hindi mo naman
talaga alam kung pano kompyutin. Blessing yung bonus na yun tol kasi siguradong
may points ka na hindi ka na mabobokya sa board. Tapos maririnig mo pa sa mga
umpukan na may mga nagkukwentuhan, sabi nung iba “andali ng board exam mas mahirap
pa yung preboard”, yung iba naman sasabihin “dapat pala sa October Board ako
nagtake para mas madali”. Well hindi mo naman makocompare yung May sa October
board kung ano ba yung mas mahirap. Kapag ginawa mo yun eh para mong
pinagkumpara si Michael Jordan saka Lebron kung sinong mas magaling kahit hindi
pa sila nagharap. Matagal ko na kasing naririnig na sinasabi nung iba na mas
mahirap daw yung board exam kapag May, well I beg to disagree dahil una sa
lahat October ako nagexam hehe at pangalawa eh pareho lang naman yung Board
exam kaya hindi pwedeng paiba-iba ng level ng difficulty yun dahil nakasalalay
dun yung quality of passers that they will produce. Sabi mas mahirap daw yung
May exam kasi mas konti yung pumapasa, pero as you look to other details eh
makikita mo na yung reason behind that. Hindi ko na lang sasabihin kung ano
yung napansin ko dahil alam ko namang alam nyo na din yun at kung hindi man eh
soon you’ll realize that. Kaya kung pinagiisipan mo kung kelan ka magtetake ng
Exam wag mo na pagisipan dahil the right time to take the Board is NOW.
Okay balik
tayo sa reality, ngayong 3 subjects na lang yung itetake nyo alam kong mas
magaan na yung pakiramdam mo. Konting sakripisyo na lang magbubunga na yung
paghihirap mo. Kaso yung bespren mong si P2 eh makakaharap mo ng one on one sa
Sabado at ang malupit pa finals na ‘to, do or die kumbaga eh bagsak ka pa naman
sa first and final preboard nyo sa P2. Chillax ka lang dyan basta aralin mo
lang yung binigay na preweek materials sayo at magtiwala ka. Saka alalahanin mo
lang yung mga techniques na tinuro sayo sa review yun nga lang baka mahirapan
kang alalahanin yun kasi madalas kitang makita nagtetemple run ka lang sa klase
eh hehe. Nung panahon na nagrereview ako sa P2 eh hirap na hirap ako sa BusCom
tapos one time may narinig ako nagsabi “ bakit kaya sila nahihirapan sa BusCom
eh ang basic lang nun”. Tinandaan ko talaga pagmumuka nun pag napadaan yun
samin mamimili sya kung gusto nyang magmumog ng ngipin o magkulay talong haha
biro lang. Dahil sa nadalian sya sa BusCom eh nagpursige akong aralin yun ang
lagay eh kung sya nga kaya bakit ako hindi? Well thank God natutunan ko naman
yun kahit paano kaso kapag reverse acquisition na eh wala talaga akong
kamalay-malay dyan.
Syempre
dahil likas na malikhain ang mga isip nating mga Pilipino eh makakareceive ka
ng mga text messages na nagsasabi kung saan kukuhain yung exam pero wag mo ng
basahin at idelete mo agad, hindi ka naman nag-aral at nagrebyu ng
pagkahaba-habang panahon para lang umasa sa leakage.
At natapos
na ang 1 week interval at bukas ay Board exam uli kaso hindi mo pa tapos aralin
lahat. Buti pa iligpit mo na yang gamit mo at magdasal ka na masagutan mo ng
maayos lahat ng questions bukas.
***************************************
Terd Dey
You’re all
set and you’re ready to take the exam. Wag mo kalimutang ngumiti habang
nagsasagot para good vibes. Hehe hayaan mo ng muka kang baliw hindi ka naman
nila mapapansin busy din sila sa pagsasagot. Easy ka lang lamang tayo, huwag mo
mamadaliin yung pagsasagot mo pero hindi din naman maxadong mabagal. Okay nice
and slow, walang problema ng biglang “last 30 mins. Na lang pakifinalize na
yung answers nyo.” Pano ‘to hindi ko na marereview yung sagot ko? Huwag mo na
rebyuhin yan dahil sure tama na yan, minsan kasi tama na yung sagot mo
pinapalitan mo pa, just be confident.
At last P2
nyo na, magkakaalaman na kayo. Bakit ganito ang dali lang? Hehe madali pa
talaga yan pangalan mo pa lang sinusulat mo eh hehe. Pero yung ineexpect mong
hirap ng P2 eh hindi mo makikita sa actual Board na P2 dahil sa CPAR lang
talaga may kakaibang exam ng P2. Hehe baliwag din kasi yung mga reviewer natin
sa CPAR kung magpaexam sa P2 wagas pero mas okay na din yun kasi hindi ka
nasanay sa madadaling problem. So pano tuloy-tuloy mo lang yang pagsasagot mo
antayin kita sa labasan.
Port en Paynal Dey
“Isang subject
na lang CPA na ako” naks that’s the spirit. Wala ng kapressure-pressure yan
last subject na eh at I’m sure hindi ka mahihirapan yung mga exam nga ni Sir D
naipasa mo eh. Kaya bilisan mo at mauubusan ka na ng lechon sa CPAR yung ibang
taga RESA pa naman nakikikain satin hehe. Nung last day ng Board namin hindi ko
na nagawang dumaan sa CPAR para makiparty-party kasi nagluto din si mama ng
pagkain sa bahay eh. Pero balita ko madami nga daw pagkain nung araw na yun at
talagang mapapakain ka sa pagsecelebrate na sa wakas tapos na din ang Board
Exam na matagal na panahon mong kinatakutan at pinaghandaan. Yung karamihan sa
atin huling sulyap na to sa pinakamamahal nating CPAR, huling pakikipagkulitan
sa mga naging kaibigan (o kaibigan), huling sulyap sa crush
(siguro kung pumunta ko nung araw na yun andaming sumulyap sakin haha) at
xempre sandamukal na pasasalamat sa mahuhusay nating reviewer. Pero xempre
pinapadrama ko lang kayo hehe hindi pa ‘to yung huling punta nyo sa CPAR kasi
magpaparegister ka pa sa blow-out party ng CPAR para sa mga pumasa di ba?
Unless wala kang planong pumasa? Sige ka sayang din yung pagkain dun.
Magpapaburger ka ba?
Eto na to,
magkakaalaman na ng resulta, andami ng nangangantyaw sakin paburger daw ako
kapag pumasa. Sige ‘pag ako pumasa manlilibre ako ng burger sa Angel’s haha
para tipid. Buti hi-tech na yung PRC ngayon sa internet mo na lang titignan
yung resulta at 1 working day lang may result na agad. Isa na lang ang problema
ko, wala kaming computer sa bahay haha kelangan makadelihensya ng pang arkila
kay mama. Xempre hindi mawawala yung tubo, bente lang arkila pero singkwenta
hihingin mo para may pangmeryenda ka pa.
“Kuya pa-net
ako open time”. Naks anyabang singkwenta nahingi eh hehe. Xempre pagupo sa
harap ng computer magbubukas muna ng FB hehe after a decade nakapagFB din
(panata ko kasi yun eh, hindi ako nagFB nung nagrereview). Tapos binuksan na
yung PRC site, anak ng tokwa’t baboy hindi makakonek sa site. Refresh mo lang,
tapos refresh uli haha nakailang libong refresh ka ata bago makakonek. Tapos
xempre mamimili ka kung anong gusto mo, kung suspense iiscroll down mo hanggang
makita mo pangalan mo, kung gusto mo naman biglaan at wala ka namang sakit sa puso
eh pwede ng i- “ctrl+F” para magkaalaman na kung nasa list ka ba o wala.
List of
successful examinees for _________ 20__ CPA Board Examination.
2345 Berting Labra
|
2346 Marco Antonio Platito
|
2347 Rico Mambo
|
2348 Christopher Nyaquiz
|
2349 Dina Makapasa
|
2350 Tina Tamad
|
2351 Maria Mapalad
|
2352 Jeffrey Pogi
|
2353 Paula Ganda
|
2354 Boy Sen
|
2355 Lucky Chan
|
2356 Kris Tiu
|
2357 Pika Tiu
|
2358 Impa Tiu
|
2359 Ma Tiu
|
2360 Pining Garcia
|
2361 Aljon Roque
|
2362 Dan Milby
|
2363 DingDan Dantes
|
2364 Dan Ming Su
|
2365 Felix Bacat
|
2366 Gerry Gandanghari
|
2367 Thomas Enprends
|
2368 Jack De Mentia
|
2369 Anne Tookin
|
2370 Andy Lim
|
2371 Derek lamo
|
2372 Antonio Valix
|
2373 Rodel Monte
|
2374 Chin Chan Su
|
2375 Conrado Dayag
|
2376_________________
|
2377 Wiley Revillame
|
Wooow congrats sayo pasado ka, ayun oh pang number 2376 ka oh!!!!!!!!!!!! Naks naman CPA ka na din sa wakas. Sigurado ipagluluto ka ng paborito mong ulam o kaya magsecelebrate kayo sa labas. Simula ngayon kabilang ka na sa Lupon ng mga Akawntant. Congrats uli, sabi na nung umpisa pa lang eh kayang-kaya mong pumasa ikaw pa. So pano kita na lang tayo sa Oath Taking ha.
*************************************
Huling Mensahe para sa bagong CPA
Hindi po
natatapos sa pagpasa sa Board exam ang iyong paglalakbay bilang CPA, ang totoo
nyan eh nagsisimula ka pa lang at marami ka pang pagdadaanan before you achieve
your goals in life. After mong magcelebrate for sabihin na nating 2 weeks eh
you have to face the reality of life na kailangan mo ng maghanap ng trabaho
(uuuyyy mukhang may part two hehe). Baka naman pagkatapos mong makapasa eh
maxado mong namnamin at makalimutan mo ng magtrabaho haha. Pero since araw mo
ngayon ito eh hindi na muna ko magsasalita at hahayaan na muna kitang ienjoy
yung pagkapasa mo sa CPA Board Exam.
Samsung Galaxy Watch 3 Titanium - iTaniumArts
TumugonBurahinThis product was first launched titanium piercing jewelry on August joico titanium 5, titanium nipple jewelry 2019. A year and titanium dioxide in food a half ago, Samsung is now building a titanium nose jewelry premium flagship device, the Galaxy S9